MRT may libreng sakay sa mga sasali sa volunteer run ng Red Cross

May alok na libreng sakay ang MRT-3 para sa mga lalahok sa Million Volunteer Run 5 ng Philippine Red Cross.

Ang volunteer run ay gaganapin sa Linggo, Dec. 8, 2019.

Libreng makasasakay ng MRT-3 ang mga lalahok sa volunteer run mula alas 5:00 hanggang alas 10:00 ng umaga.

Kailangan lamang ipakita lamang race bib sa security personnel na nasa service gate upang maka-avail ng libreng sakay.

Read more...