P240k halaga ng ‘shabu’ nasabat sa buy-bust sa Pasay City

By Rhommel Balasbas December 07, 2019 - 05:11 AM

Nakumpiska ang aabot sa P240,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Maricaban, Pasay City, Biyernes ng gabi.

Ayon kay Pasay City police chief Col. Bernard Yang, timbog sa operasyon ang isang construction worker at isang masahista na pawang kabilang sa drugs watch list.

Nakuha mula sa mga ito ang 35 grams ng hinihinalang shabu.

Bagama’t aminadong gumagamit ng droga, pinabulaanan naman ng masahista na siya ay nagbebenta,

Inuutusan lamang anya siya sa construction site sa Maricaban na pinangyarihan ng transaksyon.

Ang construction worker naman ay umamin na sideline niya ang pagtutulak.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust operation, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, drug war, drugs watchlist, Maricaban, Pasay City, Pasay Police, buy bust operation, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, drug war, drugs watchlist, Maricaban, Pasay City, Pasay Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.