Plebisito para gawing Davao de Oro ang Compostella Valley isasagawa ngayong araw

By Rhommel Balasbas December 07, 2019 - 04:09 AM

Isasagawa ngayong araw (December 7) ang plebisito o botohan para palitan ang pangalan ng Compostella Valley patungong Davao de Oro.

Alinsunod sa Republic Act No. 11297, idaraos ng Commission on Elections (Comelec) ang plebisito na magbabago sa pangalan ng probinsya.

Lahat ng botante sa May 13, 2019 national and local elections sa 11 bayan ng Compostella Valley ay maaaring lumahok sa plebisito.

Mayroong 462,942 rehistradong botante sa probinsya para sa nagdaang halalan.

Sa balota, sasagutin ng mga botante ang tanong na:
“Pumapayag ka ba na palitan ang pangalan ng Lalawigan ng Compostela Valley at gawing Lalawigan ng Davao de Oro alinsunod sa Batas Republika Bilang 11297?”

Ang pabor ay sasagot sa balota ng ‘Yes’ o Oo at ang hindi pabor ay susulat ng ‘No’ o Hindi.

Tatakbo ang botohan mula alas-7:00 ngayong umaga hanggang alas-3:00 mamayang hapon.

Kapag nagsara ang botohan, agad na bibilangin ng Plebiscite Committee ang mga boto para malaman ang resulta.

TAGS: Commission on Elections (Comelec), Compostella valley, Davao de Oro, plebiscite, Republic Act No. 11297, Commission on Elections (Comelec), Compostella valley, Davao de Oro, plebiscite, Republic Act No. 11297

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.