Sa kaniyang pagharap sa inquest proceedings sa Department of Justice, binanggit ni Marcelino ang isang Gen. Año na nag-isyu umano ng authorization para sa nasabing operasyon.
Ang Gen. Año na opisyal ng AFP sa ngayon ay si Gen. Eduardo Año na hepe ng Philippine Army.
Si Marcelino at ang Chinese National na si Yan Yi Shou ay iniharap kay Senior Deputy Prosecutor Theodore Villanueva para sa inquest proceedings.
Dahil sa nasabing pahayag ni Marcelino, inatasan siya ni Villanueva na maglabas ng dokumento na magpapatunay na may basbas ng kaniyang opisyal ang nasabing operasyon sa shabu lab sa Maynila noong Huwebes.
Ayon kay Atty. Dennis Manalo, abugado ni Marcelino, hinihintay na lamang nila ang mga dokumento mula sa AFP na magpapatunay ng ‘intel opetaion’ ng kaniyang kliyente.
Sinabi ni Manalo na ‘misencounter’ ang insidenteng naganap kahapon sa Sta. Cruz Manila kung saan naaktuhan ng PDEA at ng PNP-Anti Illegal Drugs Group si Marcelino at ang Chinese national na nasaa loob ng target na shabu lab.
Samantala, sinabi ni PDEA director genetal Arturo Cacdac Jr, na hihingi sila ng kopya ng sinasabing mission order ni Marcelino.
Pero duda si Cacdac kung paanong magkakaroon ng isang mission order para magsagawa ng surveillance si Marcelino kung nasa loob ito mismo ng sinasabing clandestine laboratory nang siya ay maaresto.
Ipapatawag umano ni Cacdac para magpaliwanag sinuman ang nag-issue ng mission order base na rin sa naunang pahayag ng pamunuan ng AFP na walang anumang utos ang AFP kay Marcelino may kinalaman sa umano’y casing and surveillance sa droga.