P1.6 milyong halaga ng ‘kush’ nasabat ng Customs-NAIA

By Rhommel Balasbas December 07, 2019 - 01:28 AM

Nasabat ng Bureau of Customs – Port of NAIA ang aabot sa P1.6 milyong halaga ng high-grade marijuana o ‘kush’ sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City, araw ng Biyernes.

Sa pahayag ng BOC-NAIA, naharang ang isang parcel na idineklarang “Marvel Comic and Child Sleeping Bag”.

Pero nabulaga ang mga operatiba nang mapag-alamang kush ang laman nito na may bigat na 973 grams o halos isang kilo.

Galing ang shipment sa California, USA.

Nakapangalan ang parcel sa isang indibidwal mula sa Taguig.

Timbog naman ang isang suspek makaraang i-claim ang shipment.

Sasailalim sa inquest proceedings ang suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Customs Modernization Tariff Act (CMTA).

TAGS: Bureau of Customs, Central Mail Exchange Center (CMEC), high grade marijuana, P1.8 million worth of kush, Pasay City, Bureau of Customs, Central Mail Exchange Center (CMEC), high grade marijuana, P1.8 million worth of kush, Pasay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.