Batang lalaki, dinala ang mga kaklase sa kanyang adoption hearing

By Rhommel Balasbas December 07, 2019 - 12:09 AM

Courtesy of Kent County

Inimbitahan ng isang batang lalaki ang kanyang mga kaklase para maging saksi sa kanyang adoption hearing sa Kent County, Michigan, araw ng Huwebes.

Nagpakilig at nagbigay tuwa sa netizens ang istorya ng batang si Michael Clark Jr. kung saan pinagpiyestahan sa Facebook ang larawan ng kanyang adoption hearing.

Sa larawang ibinahagi mismo ng official page ng Kent County at na-ishare na ng higit 115,000 beses, makikitang katabi ng bata ang kanyang foster parents na sina David Eaton at Andrea Melvin.

Galak na galak naman ang mga kaklase ni Michael na nasa likod ng court room at may hawak na paper hearts.

Isa lamang si Michael sa 37 bata na nagkaroon ng bagong mga magulang sa Michigan.

Ang adoption hearing ay kailangan bilang bahagi ng pormal na proseso sa pagsasapinal ng pag-aampon.

TAGS: adoption day, Kent County, Michael Clark Jr, michigan, adoption day, Kent County, Michael Clark Jr, michigan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.