Ayon kay Supt. Albert Barot, hepe ng Ermita police station ng Manila Police District, nagpalabas ng subpoena ang Cavite prosecutor office kung saan inoobliga si Menorca na dumalo sa hearing sa March 4.
Nauna nang nagpalabas ng warrant of arrest ang mga korte mula sa Lanao del Norte at Marawi City laban kay Menorca dahil sa kaso ring libelo.
Ayon sa kampo ni Menorca, inaasahan na nila ang sunod-sunod na kasong libelo na isasampa laban sa kaniya.
Kumalat na kasi sa mga facebook post na ang grupong Society and Communicators and Networkers o SCAN International ay maghahain ng kasong libelo kay Menorca dahil sa pahayag umano niya sa isang panayam na ang SCAN International ay isang ‘hit squad’ o ‘death squad’.
Pero sa halip na isahang pagsasampa lamang ng kaso, ay kada-chapter ang gagawing paghahain ng SCAN International base na rin sa mga lumabas na impormasyon sa FB.