5 dating mambabatas kakasuhan dahil sa PDAF scam

July 01, 2015 - 02:44 PM

biazon-ducut
Inquirer file photo

Iniutos na ng Office of the Ombudsman na sampahan ng kaso ang limang dating kongresista at ilan pang opisyal na may kaugnayan sa Priority Development Assistance Fund o PDAF Scam.

Kabilang sa pinakakasuhan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Malversation sina dating Customs Commissioner at Muntinlupa Representative Rozzano “Ruffy” Biazon, Rodolfo Valenzia ng Oriental Mindoro, Ariel Olano ng Davao Del Norte, Marc Douglas Cagas ng Davao Del Sur at Arthur Pingoy Jr., ng South Cotabato.

Kasama rin sa pinakakasuhan sina Energy Regulatory Commission Chairperson Zenaida Ducut, Janet Lim-Napoles at mga opisyal ng Department of Budget and Management, Technology Resource Center at National Business Corporation.

Ang kaso ay kaugnay sa pork barrel scam na nagkakahalaga ng P10 bilyon./ Erwin Aguilon

TAGS: biazon, ducut pdaf scam, ombudsman, biazon, ducut pdaf scam, ombudsman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.