LOOK: Kotse nahulog sa bumigay na bahagi ng kalsada sa Cagayan

By Dona Dominguez-Cargullo December 06, 2019 - 05:01 PM

Sa kasagsagan ng pagbaha sa maraming bayan sa Cagayan isang sasakyan ang nahulog sa bumigay na kalsada.

Nalubog sa tubig-baha ang bahagi ng kalsada malapit sa Pamilihang Bayan ng Sanchez Mira,

Cagayan bunsod ng nararanasang patuloy na pag-ulan.

Pero bigla na lamang bumigay ang bahagi ng kalsada dahilan para mahulog ang sasakyan.

Nagawa namang agad na ma-rescue agad ang mga nadamay sa pagbagsak ng kalsada.

Wala ring naitalang nasaktan sa insidente.

TAGS: Cagayan, flashflood, landslide, PH news, Philippine breaking news, Philippine Online News, Radyo Inquirer, Sanchez Mira, Tagalog News Wesbite, Cagayan, flashflood, landslide, PH news, Philippine breaking news, Philippine Online News, Radyo Inquirer, Sanchez Mira, Tagalog News Wesbite

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.