Salary-based system ipinatupad ng isang bus company sa kanilang mga driver

Natanggap na ng mga driver ng Balangay Transport Service Cooperative (BALTRANSCO) ang kanilang unang sweldo sa sa ilalim ng salary-based system.

Pinasusweldo ng BALTRANSCO ang kanilang mga driver ng P400 na binubuo ng P325 na sweldo at P90 na allowance kada araw.

Mas mataas ito kumpara sa minimum wage sa Caraga region.

Limitado lang din sa walong oras ang shift ng mga driver at kung sila ay mag-oovertime, babayaran sila ng dagdag na sweldo.

Kung makakaabot sa quota may dagdag pa silang 10% incentive.

Habang babayaran din ng kumpanya ang kanilang SSS, Pag-IBIG, at PhilHealth, at double pay sila kapag holidays.

Read more...