Barangay officials makatatanggap ng P3,000 Christmas incentives

By Jan Escosio December 06, 2019 - 03:09 PM

Photo credit: Office of Sen. Bong Go

Inanunsyo ni Senator Christopher Go na tatanggap ng tig-P3,000 ang lahat ng elected barangay officials sa bansa mula sa Office of the President.

Kasama aniya sa makatatanggap ang Sangguniang Kabataan chairpersons at Indigenous People’s Mandatory Representatives.

Ayon sa senador ang insentibo ngayong Kapaskuhan para sa mga opisyal ng barangay ay inihirit niya kay Pangulong Duterte.

Aniya patunay lang ito na pinahahalagahan ng administrasyong-Duterte ang mga opisyal ng barangay kahit sa munting paraan.

Sinabi pa ni Go na ang mga barangay officials ang unang nagbibigay serbisyo sa mamamayan kayat isinusulong niya ang pagpasa ng Senate Bill No. 391 o ang Barangay Services Compensation Act.

Ang panukala na naunang inihain bilang Magna Carta for Barangays Act of 2019 ay hawak na ng Committee on Local Government.

TAGS: Administrasyong Duterte, barangay officials, opisyal ng barangay, P3000 Christmas incentives, PH news, Philippine breaking news, Philippine Online News, Radyo Inquirer, senator bong go, Tagalog News Wesbite, Administrasyong Duterte, barangay officials, opisyal ng barangay, P3000 Christmas incentives, PH news, Philippine breaking news, Philippine Online News, Radyo Inquirer, senator bong go, Tagalog News Wesbite

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.