Homecoming parade para kay Pia Wurtzbach pinaghahandaan na ng PNP

By Dona Dominguez-Cargullo January 22, 2016 - 03:16 PM

12605376_1012588312131420_1977716213003501407_oNagsimula nang maghanda ang Philippine National Police (PNP) para sa homecoming parade ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa Lunes, January 25.

Ayon kay Director General Ricardo Marquez, inatasan na niya ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na i-provide ang overall security, peace and order at emergency preparedness para sa kabuuan ng aktibidad.

Nakatakda ring bumuo ng multi-agency coordinating center ang NCRPO na magmo- monitor ng mga aktibidad para sa pagdating ni Wurtzbach.

Sinabi ni Marquez na maglalagay din ng police assistance desks sa mga lugar na pagdarausan ng aktibidad.

Si Wurtzbach ay nakatakdang dumating sa bansa sa Sabado sa January 23.

Sa January 25, kabilang sa mga nakatakdang aktibidad para kay Wurtzbach ay ang courtesy call kay Pangulong Benigno Aquino III sa Malacañang, pagtungo sa Senado at ang grand homecoming parade mula sa Sofitel Hotel sa Pasay City patungo sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang parada mula sa Sofitel alas 2:00 ng hapon.

Alas 3:30 ng hapon ay isasara na ang northbound lane ng Ayala Avenue para bigyang daan ang parada.

Narito ang ruta ng homecoming parada kay Wurtzbach sa Makati City;

Hotel Sofitel
left turn to Atang Dela Rama Street
right turn to Vicente Sotto Street
left turn to F. Ma. Guerrero Street
right turn to Bukaneg Street
left turn to Roxas Boulevard
right turn to Padre Burgos Street towards Taft Avenue
right turn to Finance Road
right to Taft Avenue
right turn to Quirino Avenue
left to Roxas Boulevard
left to Sen. Gil Puyat Avenue
left turn to Ayala Avenue
U-turn to Ayala – Makati Fire Station going to Ayala Avenue, to Rustan’s.

Matapos sa Makati ay susunod naman ang parada sa Araneta Center sa Quezon City.

12510442_10153485989449032_4476847027370270315_n

Iikutin ng nasbaing parade hindi lamang ang loob ng Araneta Center kundi maging ang bahagi ng Aurora Blvd., sa Cubao at ang bahagi ng EDSA sa Farmers.

TAGS: homecoming parade for Pia Wurtzbach, homecoming parade for Pia Wurtzbach

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.