Dating opisyal ng Road Board itinalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong board of director sa Clark Development Corporation

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Cebuano Businessman na si Luisito “Chito” Clavano bilang bagong miyembro ng Board of Directors ng Clark Development Corporation.

Bago ang appointment, si Clavano ay nasa larangan ng transportasyon at food service industries.

Binati namam mo Presidential Assistant for the Visayas Sec. Michael Dino si Clavano sa paghirang sa kaniya ng pangulo.

Ayon kay Dino, maituturing na asset sa Clark Development Corporation si Clavano dahil sa pagiging track record nito sa management sa public at private sector.

Tiniyak naman ni Clavano na hindi bibiguin ang pangulo sa tiwalang ibinigay nito sa kaniya at kikilos upang mas mapaangat pa ang Clark bilang “New City” at sentro ng economic growth.

Si Drector Clavano ay dati ring executive director ng Road Board.

Read more...