10% discount sa early birds sa pagbabayad ng amilyar sa Makati

By Jan Escosio December 06, 2019 - 02:33 PM

Makakakuha ng 10 porsiyentong diskuwento ang mga magbabayad ng kanilang amilyar sa Makati City bago ang January 20 sa susunod na taon.

Bunga nito, hinihikayat ni Mayor Abby Binay ang mga real property owners sa lungsod na bayaran ng maaga ang kanilang amilyar hindi lang para sa diskuwento kundi para na maiwasan ang mahabang pila.

Sinabi pa nito na bukas para tumanggap ng bayad ang kanilang Realty Tax Division, Lunes hanggang Sabado, mula alas-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon at hanggang alas-3 ng hapon tuwing Sabado.

Inanunsiyo na rin ni Binay sa mga negosyante sa lungsod na maari nang magsumite ang mga ito ng aplikasyon para sa renewal, advance assessment at payment ng business taxes sa City Business Permit and Licensing Office.

Ayon kay Binay agad na maipapalabas ang Mayor’s Permit kung kumpleto ang isusumiteng requirements.

TAGS: Abby Binay, makati city, PH news, Philippine breaking news, Philippine Online News, Radyo Inquirer, Real Property Tax, Tagalog News Wesbite, tax, Abby Binay, makati city, PH news, Philippine breaking news, Philippine Online News, Radyo Inquirer, Real Property Tax, Tagalog News Wesbite, tax

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.