Bahagyang pagbilis ng inflation hindi ikinabahala ng Malakanyang
Hindi nabahala ang Malakanyang sa mabilis na pagsipa ng inflation o presyo ng serbisyo at mga pangunahing bilihin noong nagdaang Nobyembre.
Naitala ang 1.3 percent na inflation rate noong Nobyembre na mas mataas sa 0.8 percent noong Oktubre.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo nagagawa ng pamahalaan na mapigilan ang pasipa ng inflation.
Sa unang 11 buwan aniya ng taon ay umaabot lang sa average na 2.5 percent ang inflation rate.
Ayon ayon aniya sa Department of Trade and Industry (DTI) maituturing itong “very tamed inflation rate”.
Dagdag pa ni Panelo ang pagsipa ng inflation noong Nobyembre ay dahil sa tumaas na halaga ng alcoholic beverages at tobacco products.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.