Matapos makumpirma ang hiwalayan, Pia Wurtzbach idinepensa ang pamilya ni Marlon Stockinger

Mula sa IG account ni Pia Wurtzbach

Mismong Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na ang nagsalita at sinabing totong naghiwalay na sila ng professional racecar driver na si Marlon Stockinger.

Kasabay pagkumpirma, nilinaw naman ni Pia na hindi kailanman dumepende sa kaniya financially ang pamilya ng ex-boyfriend.

“It’s true that Marlon and I are no longer together. I wish him and his family well, and out of respect for them, let me make it clear – Marlon and his family never depended on me financially,” ayon sa pahayag ni Pia na inilabas ng kaniyang manager na si Rikka Infantado- Fernandez.

Dagdag na Pia, ito lamang ang ilalabas niyang pahayag hinggil sa isyu at hindi na muli pang magsasalita tungkol sa hiwalayan nila.

Ilang buwan nang kumakalat ang mga haka-haka na hiwalay na nga ang dalawa.

Sa ulat ng isang entertainment website ay sinabingang kawalan ng trabaho ni Stockinger ang dahilan ng paghihiwalay.

 

Read more...