“I will never betray the Filipino people”-Marcelino

Flicker Photo/Ramon Asuncion
Flicker Photo/Ramon Asuncion

Isinailalim na sa inquest proceedings sa Department of Justice (DOJ) si Lt. Col. Ferdinand Marcelino.

Mula sa Camp Crame, dinala si Marcelino sa DOJ building sa Padre Faura sa Maynila at dumating doon pasado alas 11:00 ng umaga.

Sa ambush interview ng mga mamamahayag kay Marcelino, sinabi nitong ‘ito ang nakuha niya sa pagmamahal sa bansa at pagtatangkang sugpuin ang ilegal na droga sa Pilipinas’.

Binanggit din nitong hindi niya kailanman magagawang traydurin ang mga Pilipino. “This is what I get in loving our country and trying to eradicate illegal drugs. I will never betray the Filipino people,” sinabi ni Marcelino.

Maiksi lamang ang naging pahayag ni Marcelino sa media dahil agad itong ipinasok sa tanggapan ng isang piskal sa DOJ para sa inquest proccedings.

Samantala, bago umalis sa Camp Crame kanina, binanggit ni Marcelino sa mga media ang katagang ‘The truth will come out’.

Ayon kay Marcelino, kinakailangan niyang na dumaan sa legal na proseso at sa pamamagitan nito ay mailalabas nya ang katotohanan sa naganap na insidente.

Tiwala rin si Marcelino na isa lamang itong pagsubok na kinakailangan nya pagdaanan at umaasa sya na para sa ikabubuti nya ang lahat ng mga nangyayari.

Read more...