Yellow warning nakataas pa rin sa ilang bayan sa Cagayan at Apayao

Mula sa orange warning at ibinaba sa yellow warning na lamang ang heavy rainfall warning sa ilang bahagi ng Cagayan at Apayao.

Sa abiso ng PAGASA, alas 11:00 ng umaga ng Biyernes, Dec. 6, yellow warning ang nakataas sa Apayao at sa mga bayan ng Aparri, Abulug, Allacapan, Ballesteros, Camalanuigan, Pamplona, Santa Ana at Sanchez Mira.

Babala ng PAGASA maari pa ring makaranas ng pagbaha at landslide.

Pinapayuhan ang mga residente na maging alerto at imonitor ang ipinalalabas na abiso ng weather bureau.

Read more...