Tisoy nag-iwan ng mahigit P900M pinsala sa mga paaralan sa Bicol

By Dona Dominguez-Cargullo December 06, 2019 - 11:30 AM

Sorsogon PIO | Atty. Adrian Alegre

Nag-iwan ng mahigit P900 million halaga ng pinsala sa mga paaralan sa BIcol Region ang Typhoon Tisoy.

Ayon sa Rapid Assessment of Damages Report (Radar) ng Department of Education (DepEd), umabot sa 240 silid aralan ang nawasak ng bagyo at 543 pa ang nagkaroon ng sira.

Sa pagtaya ng DepEd Bicol, ang mga nawasak na classroom ay may kabuuang halaga na P600 million habang P272 million naman ang halaga ng mga nagkaroon ng sira.

Kailangan din ng DepEd Bicol ng P7.4 million na halaga para makapaglinis at makapag-repair sa mga paaralang napinsala.

Ayon sa DepEd Bicol may nasira din na 5,933 na school furniture, 24,923 learning materials, at 893 computer equipment.

TAGS: #TisoyPH, damaged school buildings, deped, PH news, Philippine breaking news, Philippine Online News, Radyo Inquirer, Tagalog News Wesbite, tisoyaftermath, #TisoyPH, damaged school buildings, deped, PH news, Philippine breaking news, Philippine Online News, Radyo Inquirer, Tagalog News Wesbite, tisoyaftermath

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.