LOOK: Sitwasyon sa mga binabahang bayan sa Cagayan ngayong umaga

By Dona Dominguez-Cargullo December 06, 2019 - 10:41 AM

Maraming bayan pa rin sa Cagayan ang lubog sa tubig baha.

Sa mga larawang ibinahagi ng mga residente sa kanilang social media makikita ang lawak ng epekto ng pagbaha sa iba’t ibang bayan sa Cagayan.

Sa bayan ng Sanchez Mira, may mga sasakyang nalubog sa tubig baha.

Tuluy-tuloy din ang rescue operations ng mga otoridad sa mga apektadong residente.

Sa Barangay Gabut, sa bayan ng Amulung, maraming lugar ang inabot sa bewang hanggang dibdib ang tubig baha.

Kaya ang mga residente ni-rescue mula sa bubungan ng kanilang mga tahanan.

 

 

 

 

TAGS: cagayan in photos, flashflood, PH news, Philippine breaking news, Philippine Online News, Radyo Inquirer, Tagalog News Wesbite, weather, cagayan in photos, flashflood, PH news, Philippine breaking news, Philippine Online News, Radyo Inquirer, Tagalog News Wesbite, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.