Dalawang suspek sa robbery nakipaghabulan sa mga pulis sa Florida, 4 ang patay

By Dona Dominguez-Cargullo December 06, 2019 - 10:17 AM

Patay ang apat na katao makaraang ma-hijack ang isang UPS truck sa Miami, Florida.

Hinarang ng mga suspek sa tangkang robbery ang truck.

Kabilang sa nasawi ang dalawang suspek, ang UPS driver at isang motorista na nagkataong nasa lugar nang mangyari ang insidente.

Ayon sa Miami field office ng FBI, nagsimula ang insidente sa Miami-Dade County nang tangkain ng dalawang suspek na pagnakawan ang tindahan ng alahas sa Miracle Mile.

Nagawang manlaban ng empleyado ng shop at nagtamo ito ng tama ng bala ng baril mula sa mga suspek.

Matapos ito, hinarang ng mga suspek ang truck at saka hinostage ang driver para sila ay makatakas.

Nagawa namang ialerto ng empleyado ng jewelry store ang mga otoridad kaya nahabol ang truck.

TAGS: attempted robbery, jewelry store, miami florida, miracle mile, PH news, Philippine breaking news, Philippine Online News, Radyo Inquirer, Tagalog News Wesbite, attempted robbery, jewelry store, miami florida, miracle mile, PH news, Philippine breaking news, Philippine Online News, Radyo Inquirer, Tagalog News Wesbite

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.