State of calamity idineklara na sa buong Cagayan

By Dona Dominguez-Cargullo December 06, 2019 - 09:42 AM

Nagdeklara na ng state of calamity sa buong lalawigan ng Cagayan.

Ito ay bunsod ng epekto ng pag-ulan na dulot ng Typhoon Tisoy at tail end of a cold front.

Ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba, nangangailangan ng maraming tulong ang Cagayan partikular sa agrikultura at imprastraktura.

Sa pamamagitan ng deklarasyon ng ng Sangguniang Panlalawigan ay isasailalim sa state of calamity ang Cagayan.

Maraming bayan pa rin ang binabaha sa Cagayan bunsod ng patuloy na pag-ulan.

Umabot na sa 10,000 hanggang 15,000 pamilya ang inilikas sa lalawigan.

TAGS: Cagayan, PH news, Philippine breaking news, Philippine Online News, Radyo Inquirer, State of Calamity, Tagalog News Wesbite, weather, Cagayan, PH news, Philippine breaking news, Philippine Online News, Radyo Inquirer, State of Calamity, Tagalog News Wesbite, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.