LOOK: Mga tulay na hindi madaanan sa Cagayan dahil sa landslide at pagbaha
Maliban sa mga national road na hindi madaanan dahil sa pagbaha ay may mga tulay din na nananatiling sarado sa mga motorista sa lalawigan ng Cagayan.
Ayon sa update mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) – Cagayan, may mga tulay na lubog sa tubig baha at may mga insidente din ng landslide.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
1. Massisit Detour Bridge K 533+ 250
2. Abusag Overflow Bridge, K 543+382.
3. San Isidro Bridge Baggao, Cagayan K544+481
4. K533 +270 – Massisit Section
Nakapagtala ng landslide sa at pagbaha sa mga tulay bunsod ng ilang araw nang nararanasan pag-ulan.
Nagpadala na ng backhoe, payloader at dumptrucks ang DPWH sa mga apektadong lugar para sa clearing operations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.