Bagong korona para sa Miss Universe ipinasilip na

Courtesy: Miss Universe Organization

Ipinakita na sa publiko ng Miss Universe Organization ang Mouawad crown na gagamitin sa coronation night.

Ibinahagi sa Twitter Account at Facebook page ng Miss Universe ang video ng diamond-studded crown.

Nasa gitna ng korona ang isang 62.83-carat golden canary diamond na may dalawang mas maliit na diamonds sa magkabilang tabi.

Ayon sa Mouawad Jewelry, kumakatawan ang korona sa ambition, diversity, unity, at beauty.

Ang Miss Universe coronation night ay gaganapin sa December 8 sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia.

Read more...