Orange warning nakataas pa rin sa maraming bayan sa Cagayan

Dahil sa pag-ulan na dulot ng tail end of a cold front nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa maraming mga bayan sa Cagayan.

Sa 8:00AM advisory ng PAGASA, orange warning level ang umiiral sa mga bayan ng Aparri, Abulug, Allacapan, Ballesteros, Camalanuigan, Pamplona, Santa Ana at Sanchez Mira sa Cagayan.

Yellow warning level naman ang nakataas sa iba pang bayan sa Cagayan gaya ng Buguey, Claveria, Lallo, Gonzaga, Santa Teresita at Santa Praxedes, Camiguin Island, at mga bayan ng Calanasan, Flora, Luna, Pudtol at Santa Marcela sa Apayao.

Babala ng PAGASA maaring maranasan pa rin ang pagbaha dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan.

Read more...