14 na dayuhang babae nailigtas ng mga otoridad
Nailigtas ng mga otoridad ang labingapat na babaeng dayuhan sa sinalakay na condominium sa Parañaque City.
Ayon kay Police Brig. Gen. William Macavinta, pinuno ng PNP-Women and Children Protection Center Protection Center isa sa mga babae ang humingi ng tulong sa kanila sa pamamagitan ng e-mail.
Reklamo ng naturang babae, sinasaktan umano sila.
Agad nakipag-ugnayan ang PNP-WCPC sa Paranaque City police at sa City Social Welfare and Development Office para maikasa ang operasyon.
Nang mapasok ang magkakahiwalay na condominium units sa Roxas Blvd., ay nadatnan ang mga babae.
Pawang Chinese, Vietnamese at Japanese ang mga nailigtas na dayuhan.
Ayon sa isa sa mga babae, pinangakuan sila ng trabaho sa bansa pero pagdating ng Pilipinas ay ibinugaw umano sila.
Isang lalaking Chinese naman ang nadakip na nagsisilbing caretaker ng mga unit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.