Pagpapakawala ng tubig sa Magat dam ngayong umaga, hindi itinuloy

Ipinagpaliban ang pagpapakawala ng tubig sa Magat dam ngayong Biyernes (Dec. 6) ng umaga.

Sa abiso ng Cagayan Provincial Information Office, hindi na muna ginawa ang pagbubukas ng spillway gate ng Magat.

Ito ay matapos na walang naitalang pag-ulan sa Magat Watershed sa nakalipas na magdamag.

Pinayuhan naman ang mga residente na mag-antabay sa mga susunod na abiso mula sa National Irrigation Administration (NIA).

Kahapon ay una nang inanunsyo ng Magat Dam Administration na magpapakawala sana ito ng tubig simula alas 7:00 ng umaga ngayong araw.

Read more...