Pasok sa trabaho sa gobyerno at pribadong sektor suspendido na sa Cagayan ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo December 06, 2019 - 06:36 AM

Sinuspinde na rin ang pasok sa trabaho sa gobyerno at pribadong sektor sa buong Cagayan ngayong araw Dec. 6.

Sa kautusan ni Gov. Manuel Mamba, tanging ang mga kawani ng pamahalaan na nakatutok sa operasyon kapag panahon ng kalamidad ang kailangang pumasok sa trabaho.

Ang kanselasyon ng pasok sa trabaho ay bunsod ng lumalalang kalagayan ng nararanasang malawakang pagbaha sa buong lalawigan.

Una nang nagsuspinde ng klase sa lahat ng antas sa Cagayan.

Nagpatupad din ng liquor ban para masiguro ang kaligtasan ng mga residente.

Maraming bayan sa Cagayan ang binaha simula kahapon dahil sa pag-ulan na dulot ng tail end of a cold front.

TAGS: Cagayan, PH news, Philippine breaking news, Philippine Online News, Radyo Inquirer, Tagalog News Wesbite, tail-end of a cold front, weather, work suspension, Cagayan, PH news, Philippine breaking news, Philippine Online News, Radyo Inquirer, Tagalog News Wesbite, tail-end of a cold front, weather, work suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.