DENR ipag-uutos na ang ban sa single-use plastics

By Rhommel Balasbas December 06, 2019 - 05:53 AM

Nakatakdang maglabas ng kautusan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para ipagbawal sa buong bansa ang single-use plastics.

Sa forum sa Taguig City araw ng Huwebes, sinabi ni DENR Sec. Roy Cimatu na magpapalabas siya ng department order sa loob ng dalawang linggo.

“We [DENR] are about to complete department order on [banning] use of plastic. I think within the next two weeks siguro [probably],” ani Cimatu.

Sa ibinabalangkas na kautusan tinatalakay din anya ang pag-recycle sa plastic.

Binanggit ng kalihim ang pagiging pangatlo ng Pilipinas sa mga bansang source ng plastic pollution sa karagatan.

Nasa 2.7 milyong metriko tonelada ng plastic waste kada taon umano ang naitatapon ng Pilipinas sa karagatan.

Dahil dito, sinabi ni Cimatu na kailangan nang ayusin ang mga polisiya ng Pilipinas ukol sa solid waste management.

Una nang iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabawal sa single-use plastics sa bansa dahil sa climate change.

TAGS: DENR, palstic ban, PH news, Philippine breaking news, Philippine Online News, Radyo Inquirer, single use plastic, Tagalog News Wesbite, DENR, palstic ban, PH news, Philippine breaking news, Philippine Online News, Radyo Inquirer, single use plastic, Tagalog News Wesbite

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.