Babae pinugutan ng ulo dahil sa kaka-ingles sa Misamis Oriental

By Rhommel Balasbas December 06, 2019 - 05:38 AM

Arestado ang isang lalaki makaraang pugutan ang isang babae at kainin ang utak nito dahil sa pag-iingles sa Talisayan, Misamis Oriental, araw ng Huwebes.

Ayon kay Talisayan police chief Capt. Maribeth Ramoga, nakilala ang suspek na si Lloyd Bagtong, 21 anyos, residente ng Brgy. Casibole.

Sinabi umano ng suspek na nagalit siya dahil hindi maintindihan ang babae sa kaka-ingles nito.

Dahil dito, pinugutan niya ang babae gamit ang bolo at iniulam ang utak nito.

Umamin ang suspek sa karumal-dumal na krimen na ginawa niya umano habang lasing at gutom.

Natagpuan ang bangkay ng babaeng biktima na walang pang-itaas na damit at suot na lang ang maong na pantalon.

Natagpuan naman ang bungo ng biktima sa bahay ni Bagtong.

Sasampahan ang suspek ng kasong murder at kasalukuyan na itong nakakulong sa Talisayan Police Station.

Kukonsulta naman ang pulisya sa psychiatrist para malaman ang mental state ng suspek.

Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng biktima kaya’t hinimok ng pulisya ang mga pamilya na may nawawalang kaanak na pumunta sa Gomez Funeral Homes na pinagdalhan ng mga labi nito.

TAGS: crime, hack to death, Misamis Oriental, PH news, Philippine breaking news, Philippine Online News, Radyo Inquirer, Tagalog News Wesbite, Talisayan, crime, hack to death, Misamis Oriental, PH news, Philippine breaking news, Philippine Online News, Radyo Inquirer, Tagalog News Wesbite, Talisayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.