Orange warning nakataas pa rin sa maraming bayan sa Apayao at Cagayan
Dahil sa pag-ulan na dulot ng tail end of a cold front nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa maraming mga bayan sa Cagayan at sa Apayao.
Sa 5:00AM advisory ng PAGASA, orange warning level ang umiiral sa mga bayan ng Flora, Pudtol, Santa Marcela, Calanasan at Luna sa Apayao; at sa mga bayan ng Baggao, Ballesteros, Buguey, Claveria, Gattaran, Gonzaga, Pamplona, Santa Ana, Santa Praxedes at Sanchez Mira sa Cagayan.
Yellow warning level naman ang nakataas sa iba pang bayan sa Cagayan gaya ng Abulug, Allacapan, Aparri, Ballesteros, Buguey, Baggao, Camalanuigan at Santa Teresita; Calayan Island, at Fuga Island.
Babala ng PAGASA maaring maranasan pa rin ang pagbaha dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.