Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, patuloy na magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang tail-end of a cold front sa Cagayan Valley at Codillera Administrative Region.
Posible pa rin umano ang pagbaha at pagguho ng lupa dahil katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang inaasahan.
Amihan naman ang umiiral sa Ilocos Region na magdudulot ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, maalinsangang panahon ang mararanasan na may posibilidad ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Samantala dahil sa bugso ng Amihan, nakataas ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng:
– Batanes
– Cagayan kasama ang Babuyan Islands
– Isabela
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– Pangasinan
– Aurora
– Zambales
– Bataan
– Quezon kasama ang Pollilo Islands
– Camarines Norte
– Northern at eastern coast ng Camarines Sur
– Catanduanes