Tail-end of a cold front magdadala pa rin ng malakas na pag-ulan sa Cagayan Valley, CAR
Tail-end of a cold front at northeast monsoon o Amihan ang umiiral na weather systems ngayon sa bansa.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, patuloy na magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang tail-end of a cold front sa Cagayan Valley at Codillera Administrative Region.
Posible pa rin umano ang pagbaha at pagguho ng lupa dahil katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang inaasahan.
Amihan naman ang umiiral sa Ilocos Region na magdudulot ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, maalinsangang panahon ang mararanasan na may posibilidad ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Samantala dahil sa bugso ng Amihan, nakataas ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng:
– Batanes
– Cagayan kasama ang Babuyan Islands
– Isabela
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– Pangasinan
– Aurora
– Zambales
– Bataan
– Quezon kasama ang Pollilo Islands
– Camarines Norte
– Northern at eastern coast ng Camarines Sur
– Catanduanes
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.