Duterte bumisita sa burol ng pulis na dinapaan ang bomba sa Misamis Oriental

By Rhommel Balasbas December 06, 2019 - 04:58 AM

Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte Huwebes ng gabi ang burol ng bayaning pulis na nasawi matapos dapaan ang isang bomba sa paaralan sa Initao, Misamis Oriental.

Iginawad ni Pangulong Duterte kay Police Senior Master Sergeant Jason Magno ang Orderof Lapu-Lapu Magalong Medal at Medal of Valor.

Matatandaang noong November 28, sinubukang arestuhin ni Magno ang isang lalaking nag-aamok sa paaralan na nakilalang si Ibrahim Bashier.

Pero nabitawan ng suspek ang dala nitong granada dahilan para dapaan ito ni Magno upang hindi mapahamak ang mga estudyante.

Ililibing si Magno bukas, Sabado, December 7.

Samantala, binisita rin ni Duterte si Senior Master Sergeant Alice Balido na nasugatan din sa pagsabog at ginawaran ito ng Order of Lapu-Lapu Kampilan Medal.

Kapwa nakatanggap ang pamilya nina Magno at Balido ng financial assistance mula sa Office of the President.

TAGS: Bayaning pulis, Misamis Oriental, Police Senior Master Sergeant Jason Magno, Rodrigo Duterte, school explosion, Bayaning pulis, Misamis Oriental, Police Senior Master Sergeant Jason Magno, Rodrigo Duterte, school explosion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.