Duterte: “The next president will come from Bicol”
Posibleng sa Bicol region magmula ang susunod na presidente ng Pilipinas ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa situation briefing sa Legazpi City, Albay tungkol sa epekto ng Bagyong Tisoy, binanggit ng pangulo sina Sorsogon Governor Francis Escudero at Albay 2nd District Congressman Joey Salceda.
Ang dalawa anya ang pwedeng pagpilian sa pagkapangulo.
“The next president will come from Bicol. You have a choice of Salceda and Chiz Escudero,” ani Duterte.
Kapwa nasa briefing sina Escudero at Salceda nang sabihin ito ng presidente.
Ang pahayag ni Duterte ay halos isang linggo pa lamang matapos niyang ianunsyo na hindi tatakbo sa pagkapresidente ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Una na ring hinimok ng presidente si Vice President Leni Robredo na huwag tumakbo sa 2022 presidential elections dahil wala umano itong alam.
“Huwag ka tumakbo na pagka-presidente, wala ka talagang alam,” ani Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.