Ayon sa resulta ng survey na inilabas ng SWS Huwebes ng gabi, 31 percent ang nagsabing sila ay talagang nababahala sa pagdami ng Chinese workers sa bansa at 39 percent ang medyo nababahala.
Nineteen percent naman ng mga Pinoy ang medyo hindi nababahala at 11 percent ang talagang hindi nababahala.
Lumalabas din sa survey na 27 percent ng mga Filipino ay lubos na sumasang-ayon at 25 percent ay medyo sumasang-ayon sa pahayag na ang ‘pagdami ng Chinese workers ay banta sa kabuuang seguridad ng bansa’.
Sa 31 percent na nagsabing sila ay talagang nababahala sa pagdami ng Chinese workers sa bansa, 71 percent ang sang-ayon na banta ito sa kabuuang seguridad ng bansa.
Samantala, 12 percent ang nagsabing napakarami ng Chinese workers sa kanilang lugar, 19 percent ang nagsabing medyo marami, 25 percent ang nagsabing ilan lang at 44 percent ang nagsabing halos wala.
Isinagawa ang suvery noong September 27 hanggang 30, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,800 Filipino adults sa buong bansa.