Pastor Quiboloy hindi pina-stop ang Bagyong Tisoy para hindi magalit ang bashers
Mas pinili na lamang ni Pastor Apolo Quiboloy na hindi na ipa-stop ang Bagyong Tisoy.
Sa video sa Facebook page na ‘Ito ang Buhay’, Huwebes ng hapon, sinabi ng Pastor na marami ang nagalit nang pina-stop niya ang mga lindol sa Mindanao.
Dahil dito, hindi niya na pina-stop ang nagdaang bagyo para hindi na magalit ang bashers.
“Ah ‘yong nagdaang bagyo? Kasi, ‘yong ini-stop ko yung earthquake, nagalit man sila. Binash ako nang napakarami. So baka i-stop ko yung bagyo, baka magalit na naman,” ani Quiboloy.
Giit ng lider ng sektang Kingdom of Jesus Christ at nagpakilala ring ‘Appointed Son of God’ at ‘Owner of the Universe’, ipinagdasal na lamang niya na lumampas na lang ang bagyo.
“Pinabayaan na lang natin. Nag-pray na lang tayo na ‘yong bagyo lumampas na lang. Eh di ngayon, normal na,” giit ni Quiboloy.
Ayon sa pastor, hindi niya alam kung ano ang gagawin sa bashers dahil kapag pina-stop niya ang kalamidad ay nagagalit ang mga ito, pero kapag hindi pina-stop ay nagagalit pa rin.
“Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kasi kapag pina-stop mo magagalit, kapag hindi mo ipina-stop nagagalit din,” ayon sa Pastor.
Nanawagan naman ito ng tulong para sa mga naapektuhan ng bagyo.
Gayundin ay dapat din anyang ipagdasal ang mga Filipino na maging handa at mabigyan ng proteksyon mula sa mga kalamidad.
Ayon kay Quiboloy, ang hindi mai-stop ay ang pagtulong niya sa kanyang kapwa basher man o hindi.
“Ang hindi mai-stop diyan ay ‘yong tulong namin sa ating mga kababayan. Kasi panata ko ‘yon sa amang maka-langit,” ani Quiboloy.
Una nang nagkaroon ng samu’t saring reaksyon ang netizens makaraang sabihin ni Quiboloy na dapat siyang pasalamatan sa pagpapahinto ng malakas na lindol sa Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.