M3.1 na lindol naitala sa Batanes

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bahagi ng Batanes alas-12:50 Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 59 kilometro Hilagang-Silangan ng Basco.

May lalim lamang ang pagyanig na isang kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...