Davao grad nanguna sa November 2019 Nursing Licensure Exams
Isang alumna ng Davao Doctors College Inc. ang nanguna sa November 2019 Nursing Licensure Examinations.
Pinangunahan ni Shaine Kei Cruiz Watanabe ang pagsusulit matapos makakuha ng average na 89.60 percent.
Pumangalawa naman si Ansherina Santiagao Awatin mula sa Pamansatan ng Lungsod ng Maynila na nakakuha ng 89 percent.
Pare-pareho namang nasa top 3 sina UP Manila, UST, OLFU-Antipolo at Gordon College graduates Jimryan Ignatius Bacani Cabuslay, Jarvin Vincent Chua Lumauig, Janean Prado Mati-Ong at Kate Alyssa Aquino Principe.
Ayon sa Professional Regulatory Commission, 13,816 ang kumuha ng Nursing Licensure Exams at 7,627 ang pumasa.
Muling pinatunayan ng University of Santo Tomas ang husay sa nursing matapos hiranging top nursing school kung saan lahat ng 338 na UST nursing grads ay pumasa sa NLE.
Top 1 performing schools din ang Saint Louis University at De La Salle Medical and Health Sciences Institute.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.