‘Excellence Award’ sa sambayanang Filipino

By Jan Escosio December 06, 2019 - 12:00 AM

Parangal sa sambayanang Filipino ang ibinigay na ‘Excellence Award’ ng SPIA Asia sa Philippine Sea Games Organizing Committee (PHISGOC).

Ito ang sinabi ni SPIA Asia CEO Eric Gottschalk dahil aniya ang pag-organisa ng malaking sporting event ay hindi lang ang organizing committee ang gumagawa kundi ang sambayanan.

Aniya, ang pakikipagtulungan ng sambayanang Filipino ang dahilan kayat maayos na naisasagawa ang 30th SEA Games sa bansa.

Naniniwala din si Gottschalk na sa magandang pagdaraos ng torneo ay mas mapapasigla ang industriya ng palakasan sa bansa.

Iginawad ang Excellence Award sa PHISGOC dahil sa matagumpay na pagpaplano at pagho-host ng 30th edition ng SEAG.

Magugunita na tinanggap ni PHISGOC Chairman Speaker Alan Peter Cayetano ang parangal kamakailan.

Una nang nabigyan ng katulad na parangal ang Thailand dahil din sa pagho-host ng SEAG.

TAGS: 'Excellence Award', 2019 Southeast Asian Games, Alan Peter Cayetano, SPIA Asia, 'Excellence Award', 2019 Southeast Asian Games, Alan Peter Cayetano, SPIA Asia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.