#WalangPasok: Biyernes, December 6, 2019

Nananatiling walang pasok sa eskwela sa ilang lugar sa bansa bukas, Disyembre 6.

Ito ay dahil sa pinsala ng Bagyong Tisoy at nagpapatuloy na mga pag-ulan dulot ng Amihan at tail-end of a cold front na nakakaapekto sa Northern Luzon.

LAHAT NG ANTAS:
Albay (buong lalawigan)
Cagayan (buong lalawigan)

SPECIAL NON-WORKING DAY:
Isabela (Executive Order No. 54)

Maraming bayan sa Cagayan at Isabela ang lubog sa malawakang pagbaha dahil sa mga pag-ulan dulot ng Amihan at tail-end of a cold front.

Ipinauubaya na ni Cagayan Gov. Manuel Mamba sa mga alkalde ang suspensyon ng pasok sa trabaho sa gobyerno at pribadong sektor.

Sa Isabela naman, special non-working day ang December 6, 2019 dahil sa isasagawa sanang 1 Million Trees in 1 Day Project.

Kanselado ang naturang proyekto pero sinabi ni Gov. Rodito Albano na epektibo pa rin ang special non-working day.

Gagamitin ang araw para sa clean-up activities sa buong lalawigan.

I-refresh ang page na ito para sa updates.

Read more...