Grupong “Kalayaan Atin Ito” babalik sa Pag-asa Island

By Dona Dominguez-Cargullo January 22, 2016 - 10:54 AM

kalayaan atin itoPlano ng grupong “Kalayaan Atin Ito” ang pagsasagawa ng ikalawang biyahe sa pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.

Pero sa pagkakataong ito, target ng grupo na makapanatili doon sa loob ng isang buwan.

Ayon kay Vera Joy Ban-eg, tagapagsalita ng grupo, ang ginawa ng China kamakailan na pagpapapunta ng mga turista sa Kagitingan (Fiery Cross) ay ginawa na nila noong Disyembre kung saan nanatili sila sa Pagasa (Thitu) Island.

Sinabi ni Ban-eg na sa Abril, muli silang bibiyahe sa isla at mananatili doon ng isang buwan. “In April, we will make another voyage to our islands. This time, we will spend a month to visit all the islands we occupy in the Kalayaan,” ayon kay Ban-eg.

Nanawagan din ang grupo sa publiko na tulungan sila sa kanilang isinusulong na laban sa mga teritoryo ng Pilipinas na inaangkin ng China.

Noong Disyembre, nasa 50 miyembro ng grupo ang nagtungo sa Pagasa island sakay ng bangka.

TAGS: Kalayaan Atin Ito, West Philippine Sea, Kalayaan Atin Ito, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.