Ayon kay Gatchalian hindi na ito iba sa pababang iskor sa National Achievement Test o NAT.
Pinuna nito ang resulta ng Organisation for Economic Cooperation and Development’s (OECD) Programme for International Student Assessment (PISA) 2018 na isinagawa sa 600,000 estudyante sa 79 bansa.
Nakakuha ang Pilipinas ng average score na 340 sa Reading Comprehension, 353 sa Science at 357 sa Mathematics.
Nasasalamin ng resulta, ayon kay Gatchalian, ang matinding pangangailangan para mapagbuti na ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Ito aniya ang dahilan kaya sinusuportahan niya ang mga programa ng DepEd para makapagbigay ng de-kalidad na edukasyon sa pamamagitan ng de-kalidad na mga gamit sa pagtuturo at pag-aaral.
Diin nito kailangan matiyak na ang mga paaralan ay may sapat na kagamitan at teknolohiyang makakatulong sa pag-angat ng edukasyon sa bansa para maihanda ang mga mag aaral sa pagpasok sa mga industriya.