‘Farmers’ budget’ nais mapalaki ni Sen. Cynthia Villar
Inihirit ni Senator Cynthia Villar na maamyendahan ang 2020 budget ng National Food Authority o NFA.
Layon ng hakbang na ito ni Villar na mapalaki pa ang naibibigay na tulong sa mga magsasaka kaugnay sa pagpapatupad ng Rice Tarrification Law.
Inirekomenda ng senadora na mailipat ang P3 bilyon budget para sa NFA sa Land Bank, na siyang mamamahagi ng tulong sa 600,000 magsasaka.
Pinawi ni Villa r ang pangamba na ang gagawing hakbangin ay makakaapekto sa programa ng NFA na bumili ng palay sa mga local na magsasaka.
Diin pa nito ang dapat na gawin ng NFA para maiiwas ang mga magsasaka sa mga mapagsamantalang negosyante na binabarat ang kanilang palay.
Lubhang naapektuhan ang mga lokal na magsasaka sa pagbagsak ng presyo ng palay bunga nang pagbaha ng mga imported rice dahil na rin sa bagong batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.