Ipinagkaloob ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang halaga ng tulong sa 497 na manggagawa sa Barangay Manito, Albay sa 100 manggagawa sa Daraga, Albay.
Ang tulong ay sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating mga Displaced/Disadvantaged Workers Program (TUPAD) ng DOLE.
Ang halaga ay magsisilbing short-term wage employment ng mga manggagawa sa bayan ng Manito at Daraga.
Ito ay matapos maapektuhan ng Bagyong Tisoy ang kanilang pangunahing pinagkukuhanan ng pangkabuhayan.
Bawat isang manggagawa ay tatanggap ng katumbas ng P310 kada araw na naka-base sa minimum wage sa rehiyon.
Ang tulong ay para sa isang buwan bawat manggagawa.
Bilang kapalit, sila ay tutulong sa pagsasagawa ng de-clogging ng mga drainage canal, ilog, streams, waterways at Mangrove areas sa lugar.