Halos 600 manggagawa na naapektuhan ng Typhoon #TisoyPH sa Albay binigyan ng tulong ng DOLE

By Dona Dominguez-Cargullo December 05, 2019 - 05:32 PM

Nagkaloob ng P5.9 million na halaga ng tulong ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa halos 600 manggagawa sa Manito, Albay na naapektuhan ng Bagyong Tisoy.

Ipinagkaloob ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang halaga ng tulong sa 497 na manggagawa sa Barangay Manito, Albay sa 100 manggagawa sa Daraga, Albay.

Ang tulong ay sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating mga Displaced/Disadvantaged Workers Program (TUPAD) ng DOLE.

Ang halaga ay magsisilbing short-term wage employment ng mga manggagawa sa bayan ng Manito at Daraga.

Ito ay matapos maapektuhan ng Bagyong Tisoy ang kanilang pangunahing pinagkukuhanan ng pangkabuhayan.

Bawat isang manggagawa ay tatanggap ng katumbas ng P310 kada araw na naka-base sa minimum wage sa rehiyon.

Ang tulong ay para sa isang buwan bawat manggagawa.

Bilang kapalit, sila ay tutulong sa pagsasagawa ng de-clogging ng mga drainage canal, ilog, streams, waterways at Mangrove areas sa lugar.

TAGS: Albay, Displaced/Disadvantaged Workers Program (TUPAD), DOLE, Halos 600 manggagawa, Labor Sec. Silvestre Bello III, Manito at Daraga., short-term wage employment, Typhoon "Tisoy", Albay, Displaced/Disadvantaged Workers Program (TUPAD), DOLE, Halos 600 manggagawa, Labor Sec. Silvestre Bello III, Manito at Daraga., short-term wage employment, Typhoon "Tisoy"

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.