Bangkay ng lalaki natagpuan sa Cavite

By Ricky Brozas December 05, 2019 - 05:04 PM

Isang bangkay ng hindi pa nakilalang lalaki ang natagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard kasama ang mga pulis sa baybayin ng isang resort sa San Jose, Ternate sa Cavite matapos ang pananalasa ng bagyong #TisoyPH.

Ang bangkay may balot ng packaging tape ang bibig at dibdib.

May taas itong 4’7 nakasuot ng itim na tshirt at blue maong na pantalon at may tattoo na “bahala na gang sa likod”.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, nasa edad trenta hanggang kwarenta anyos.

Isang concerned citizen umano ang nakakita sa bangkay at agad na nagreport sa PCG sub-station sa Naic.

Agad namang dinala sa pinakamalapit na punenarya ang bangkay para sa kaukulang imbestigasyon.

TAGS: bagyong #TisoyPH, Bangkay ng lalaki, cavite, PCG, San Jose, Ternate sa Cavite, bagyong #TisoyPH, Bangkay ng lalaki, cavite, PCG, San Jose, Ternate sa Cavite

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.