Banta ng NPA binalewala lang ni DILG Sec. Año
Hindi pinansin ni Interior Secretary Eduardo Año ang pagbabanta sa kanya ng mga rebeldeng komunista.
Balik nito sa NPA, nakahanda sila sa anuman plano ng mga ito at aniya mauunahan nila ang mga rebelde bago pa maikasa ng mga ito ang kanilang masamang balakin.
Reaksyon ito ng kalihim matapos ibunyag ng isang mataas na opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) na kabilang ito sa mga matataas na opisyal ng gobyerno na target ng NPA hit squads.
Dagdag pa ni Año, tulad ng isang sundalo palaging siyang handing lumaban.
Bukod kay Año kasama din sa ‘hit list’ ng NPA sina National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. at National Commission on Indigenous Peoples chairman Allen Capuyan.
Target din na likidahin ng mga rebelled ang limang dating pinuno ng kilusan na tumutulong na ngayon sa anti-insurgency campaign ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.