Bayaning pulis ng Misamis pararangalan ng Senado

By Jan Escosio December 05, 2019 - 04:18 PM

Bibigyang parangal ng Senado si Police Senior Master Sergeant Jason Magno, ang pulis na dinapaan ang granada sa Initao College sa Misamis Oriental.

Sinabi ni Sen. Sonny Angara pambihirang kabayanihan ang ipinamalas ni Magno kaya’t nararapat lang na bigyang parangal ang bayaning pulis.

Aniya hindi na inalintana ni Magno ang sariling kaligtasan upang walang mapahamak na mga estudyante at sibilyan

Diin ng senador ang mga katulad ni Magno ang tunay na halimbawa ng mabuting alagad ng batas.

Dagdag ni Angara magandang paalala si Magno na ang mga tauhan ng PNP ay handing magbuwis ng buhay para pangalagaan ang buhay ng mamamayan at kaayusan sa komunidad.

TAGS: Bayaning pulis, Initao College sa Misamis Oriental., misamis, PNP, Sen. Sonny Angara, Senado, Bayaning pulis, Initao College sa Misamis Oriental., misamis, PNP, Sen. Sonny Angara, Senado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.