Base sa inilabas na memorandum circular ni Mandaue City Mayor Jonas Cortes, inatasan ang lahat ng pinuno ng mga departamento sa lungsod at ang Mandaue City Police Office (MCPO) na mahigpit na ipatupad ang smoking ban sa kanilang mga opisina at nasasakupan.
Inatasan din ni Mayor Cortes ang iba pang ahensya tulad ng Business Permit and Licensing Office, City Health Office, Traffic Enforcement Agency of Mandaue (Team) at Janitorial and Security Services Unit (JASSU) na tumulong sa pagpapatupad ng smoking ban sa loob ng mga business establishments at pampublikong lugar.
Ang smoking ban ay alinsunod sa memorandumcircular na inilabas ng Civil Service Commission (CSC) noong 2009, Philippine Clean Air Act at Executive Order na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Kabilang sa mga lugar na bawal magsigarilyo ay sa mga hagdanan, grounds, bakuran, daanan, banyo, parking areas, rooftops at mga government-owned vehicles.
Matatandaang noong nakaraang buwan ng Nobyembre ay inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit at importasyon ng vape sa bansa.